Home » Archives » November 2007

pwede mo bang ipaliwanag?

Wednesday, November 28, 2007

*this is actually a repost of my 21 March 2006 entry.  i just felt like i had to pull it out and post it again. now, the characters may have changed and some of the statements that i made back then may not be all that true anymore but the truth is, it's like deja vu all over again.

 

wish ko lang talaga may magpaliwanag. lam mo yon?! bakit kinakailangan na halos every month na lang eh merong bagong issue. bakit kelangan mag-asal high school, no.. i take that back.. it's more, like, asal grade school pala ang mga 20-30 something na mga tao. at higit sa lahat, bakit tuwing akala mo ok na, eh hindi pala.

 

as far as i know, kaya lang nagkakaproblema non kasi lumalaki ung grupo. shempre, pag may bago, kadalasan, may issue. anjan yung hindi pagkakasunduan kasi ung ugali nung isa hindi ka-jive nung ugali ng bagong salta. tapos yung bagong salta pa, nangangapa kasi ung mga matagal nang magkakasama, naka-buo na ng (so to speak) "alliance."  hirap nga naman makisama kung feeling mo out of place ka tuwing naguusap sila. but as it turns out, hindi pala.

 

ang labo no?! ang tatanda na eh. kung magsumbungan naman, kala mo nagkadayaan habang naglalaro ng luksong tinik. yung mga away na tipong..

 

"sumayad ka eh.."

 

sagot naman nung isa,

 

"hindi ah.."

 

tapos, biglang hihirit ng,

 

"sumbong kita kay teacher! (sabay sigaw ng)

 

"TEEEAAAAACCCCHHHHHEEEEEEEERRRRRR!!!!!"

 

lupit noh?!

 

bakit ganon?! paki paliwanag naman oh?! ang alam ko kasi kung meron mang dapat umasal o kumilos ng ganon, eh ako yon!! isipin mo, ako pinaka-bata. plus the fact na bunso ako (na mejo spoiled pa - mejo lang naman), wala na!! ako lang dapat ang nagiinarte at wala ng iba. ang masakit pa kasi don, ung mga nag-iinarte, lalake! yep.. LALAKE!! tanong mo siguro sakin, "sigurado ka bang lalake sila?!" oh well.. ayoko na sagutin yan. i've been asked too many times kaya bahala na lang kayo kung ano tingin nyo.

 

buhay nga naman noh?! napaka-ironic. if i could describe life in one word, yun na siguro yon, IRONIC. kasi nga naman, kung sino pa ung akala mong mature na magisip eh sha pa ung pasimuno. IRONY nga ba?! or should it be PARADOX?! whatever, ayoko na sha pagkaabalahan ng panahon. bottomline, mahirap mag assume. sabi nga nila - maraming nadadala sa maling akala!

 

sa totoo lang, di ko alam if i'm making any sense or not. tingin mo? di ko kasi talaga alam kung ano na talaga nangyayari eh. parang kasi saan ako lumingon, merong bagong problema.. bagong issue.. please naman oh.

 

wish ko lang talaga may magpaliwanag!!

Posted by nicoffeinejunkie at 1:11:00 | permalink | Add comment